BALITA: Pambungad na Programa ng DSPC 2019 sa GNHS, tagumpay




Manunulat: Ai Un Pie 1310

  Nagtipon-tipon ang mga mamahayag mula sa iba't-ibang lugar sa dibisyon ng Iloilo sa ginaganap na Division Schools Press Conference sa Mataas na Paaralang Nasyonal ng Guimbal.
Mararamdaman ang tensyon na bumabalot sa buong gym dahil ang lahat ay handang-handa nang makamit ang unang pwesto. Laking pasasalamat ni G. Darwin A. Haro, Principal III ng Guimbal National High School, sa mga dumalo lalong-lalo na sa mga mamamahayag na ginawang matagumpay ang nasabing aktibidad. Nagbigay rin ang mga hukom at bisita ng kani-kanilang mensahe na nagbigay inspirasyon sa lahat. "It's not just about empowering communities it's about transforming them to become better", ani John Arnold S. Siena, CESO III, DIR IV National Educators' Academy of the Philippines (NEAP).