LATHALAIN: Mga Yapak
"Sa mundong puno ng takot at kaba, sa bawat araw na tayo'y nabubuhay ay nagkakaroon ng mga alaala at leksyong dadalhin nating sa ating kunabukasang paglalakbay na magbibigay aral sa ating buhay."
Nakamasid sa nakasiwang na bintana, nakatulala at nakatingin sa kawalan. Inaalala ang bakas ng mga nakaraan. Pikit mata, sabay bitaw ng isang malalim na buntong hininga... Nakasulyap sa tila hindi maipintang mukha mula sa repleksyon ng salamin sa aking harapan. Puno ng takot at kaba ang nadarama. Tila nangangapa na para bang batang paslit na nagsisimulang maglakad ang bawat hakbang papasok sa lugar kung saan mag uumpisa ang totoong hamong haharapin sa loob ng anim na taon. Bakas pa sa mga alala ang unang araw ko sa eskewla. Naririnig ang tibok ng puso, ramdam ang nanginginig na mga paa at hindi alam ang gagawin sapagkat pakiramdam ko halos lahat ng mata ay nakatingin sa aking direksyon. Pinalibot ang mata na tila minemimorya ang bawat sulok ng paaralan, ang bawat kanto ng Guimbal National High School. Ang buhay secondarya o ang 'High Schoo Life' ay ang pinaka masayang yugto ng ating buhay. Makaksalamuha mo ang ibat ibang klase ng mga estudyante, guro at kung ano ano pa. Sa una nakakatakot at puno ng kaba sapagkat halos lahat ng mag aaral at mga guro ay bago sa ating mga mata. May mga bagay ma susubok sa ating pagkamatatag. Mga kapwa natin kamag aral na kung makatingin ay para bang pinabalatan ka ng buhay. May mga guro na sa bawat araw na nilikha ng Diyos ay halos yanigin ang buong silid sa sigaw, ang mga ilan na tinatawag nilang terror teacher, naka suot ng makapal na salamin at may mapupulang mga labi. Hindi rin maiiwasan ang mga nagwagwapuhan at mga matitikas na mga 'school mates' na tinatawag nating kuya mula sa ibat ibang mga baitang. Kuya sa bibig, bebe sa isip? Mga bagay na maaring maging dahilan ng pagkatukso natin at makakalimutan na ang layunin natin kung bakit naririto ba tayo sa paaralan. At higit sa lahat ay dito natin binubuo ang samahan at pagkakaibigang aalagaan at mamahalin natin magpakailanman. Itinayo ang Guimbal NHS noong 1946. Pinamumunuan ito ng kanilang kasalukuyang Punong Guro na si Darwin A. Haro. May halos 3000 ang populasyon ng GNHS. Mahigit 32 kilimetro ang layo mula sa lungsod ng Iloilo at sa mahigit kumulang 1 oras na biyahe ay mararating mo ang GNHS. Makakaranas man tayo ng pagsubok sa bawat araw, ang importante ay makatapos tayo ng may mga magagandang alaala at mga aral na dadalhin natin sa pangkasalukuyang paglalakbay. Ani ng aming guro matapos niyang isalaysay ang kaniyang mga naging karanasan sa Mataas na Paaralang Nasyonal ng Guimbal.
0 Comments