EDITORYAL: Journalism, Sandigan ng mga Mamamayan sa Gitna ng Labanan
"Hawak Kamay sa Gitna ng Pagsubok sa Buhay, Isa Para sa Lahat, Lahat Para sa Isa. Walang bibitaw, sa hirap man o ginhawa."
Manunulat: "Stella1311819"
Maraming ibat ibang grupo ng mamamayan sa loob ng isang komunidad. Ibat ibang mamamayan na walang kapangyarihan upang ipaglaban ang kanilang karapatan. Mga karapatan na nararaapat na kanilang ipaglaban. Sa pamamamagitan ng Journalism, maipapahayag natin ang ating nais sabihin, nais iparataing, at nais mangyari.
Katulad nalang ng mga bahagi ng LGBT Community, mga taong nahihiyang ibahagi ang kanilang tunay na anyo, tunay na nakasarian ng dahil sa mapanghusgang pamayanan. Magagamit nila ang Campus Journalism, upang mailayag nila ang tunay na sila.
Ang mga taong nahihirapan, o hindi makabangon ng dahil sa dagok ng kalikasan. Mga taong naging biktima ng kalamidad, na lubusang naka-apekto sa kani-kanilang mga buhay. Ang mga taong ito ay lubusang nangangailangan, hindi lamang ng tulong kundi pati narin ng suporta. Ang Campus Journalism ay maaaaring maging sandalan nila sa panahon na nais nilang sumuko, at lumaban.
"Empowering Communities Starts with you." Ika nga, wala nang ibang tatanggap sa ating kundi tayo tayo lang rin naman. Sa Campus Journalism, Hindi ka magiisa, hindi ka lalaban ng nag-iisa, hindi ka iiyak ng nag-iisa. Dahil sa Campus Journalism, mabibigyan ka ng kapangyarihan, bakla ka man o tomboy, mahirap ka man o mayaman, nag-iisa ka man o may pamilya, lahat ay mabibigyan ng karapatan, lahat ay magiging malakas, dahil hawak kamay tayong susuong sa laban ng buhay.
0 Comments